Linggo, Disyembre 15, 2013

Tala-arawan          Lunes              Disyembre 9, 2013
Ngayong araw ay nagkaroon kami ng gawain sa asignaturang filipino at dahil wala ang aming Guro ang kanyang kabiyak ang pumalit dito . Nagkaroon kami ng gawain na tatalakay sa aming panibagong aralin  na "Kinagisnang Balon" pagkatapos ay ipinasa na namin ang aming gawa . pagkatapos ng klase ay pumunta ako kasama ang aking kaibigan sa Computer Shop at nagsaya Parte-PArte ba! at pagkatapos noon ay umuwi ako at gumawa ng takdang aralin.


Tala-arawan         Martes            Disyembre 10, 2013
                                       LUMIBAN AKO SA KLASE 



Tala-arawan         Miyerkules      Disyembre  11, 2013
Ngayong araw ay aming pagtatalakay sa panibagong akda na pinamagatang "Kinagisnang Balon" ang  pangkat tatlo ay inatasang iulat ito. ASng mga Tauhan,Pangyayari.pero ang buod ng akda ay hindi nila naiulat kaya nagkaroon ng maikling pangkatang gawain na nakabatay sa akda. at dahil kulang kami sa oras ay ipapagpatuloy namin iyo bukas.


Tala-arawan         Huwebes        Disyembre  12, 2013
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng pagpapatuloy sa talakayan sa aming aralin at ipinag patuloy din namin ang di-natapos na pangkatang gawain kahapon. Aming itinama ang mga di-maayos na kasagutan ng pangkat tatlo .at dahil tapos nanaman kami sa oras ay patuloy uli bukas(pang di nasanay)


Tala-arawan       Biyernes          Disyembre   13 2013
Ngayong araw ay aming paggawa ng awtput sa aming nakalipas na aralin. kami ay pinapili ng gagawin Salaysay ba o Sanaysay . kami ay sumulat ng kung ano aming gagawin para umunlad ang aming buhay sa hinaharap. pagtapos noon ay pinasa na namin ang aming papel. 

Biyernes, Disyembre 6, 2013

Sa pagsisimula ng buwan ng Disyembre ay hindi lang sa loob ng Silid-aralan ang bibigyang pansin . at pagtatala ng mga pangyayari sa bung araw ay nararapat ding ilathala sa aking blogger.

Tala-arawan         Lunes           Disyembre 2, 2013 
Ngayong araw na ito ay nagsimula ang aming klase sa Flag Ceremony . katulag sa kinagawian ay hindi nawawala ang pagkakaroon ng huli sa klase ng ilang Estudyante .pagkatapos ay nag-umpisa na ang talakayan . Sa unang asignatura ,pangalawa, pangatlo, at pang-apat ay puro pagtatalakay ang itinuturo dhil kami ay nagbabalik aral naman. sa mga sumunod na mga asignatura ay nagkaroon kami ng pagsusulit .

Tala-arawan        Martes         Disyembre 3, 2013






Tala-arawan       Miyerkules      Disyembre 4, 2013
Ngayong araw sa pagsisimula ng klase ay Inumpisahan namin ito sa pagdadasal at pasasalamat . Nagkaroon kami ng bagong aralin na tatalakayin sa Chemistry, English, at Math. pagdating sa asignaturang Mapeh ay nagkaroon kami ng mga gawain tungkol sa aming nakalipas  na aralin .Sa Ap, Filipino, TLE ay aming pinagpatuloy ang hindi natapos na aralin kahapon. pagtapos ng klase ay dumiretso agad ako pauwi ... dahil GOOGBOY daw?? at dating gawi MATULOG!!.

Tala-arawan      Huwebes       Disyembre  5, 2013
Ngayong araw na ito ay aming inumpisahan ang talakayan sa Unang asigantura ng masaya at maaliwalan ang mga mukha sapagkat inumpisahan namin ito sa pagdadasal(BAIT NO). Nagkaroon kami ng mga talakayan gawain sa mga asignaturang dumaan .Pagdating sa Filipino ay nagkaroon kami ng malikhaing pamamaraan ng pangkatang gawain. tungkol sa aming akdang pinagaralan. at pagkatapos ay nagkaroon ng konting talakayan.

Tala-arawan     Biyernes        Disyembre 6, 2013 
Kanina ay nagkaroon kami ng gawain sa Filipino, talakayan naman sa sumunod na asignatura. pagatapos noon ay Uwian na . ako ay hindi muna umuwi sa aming mahal na tahanan sapagkat ako ay may responsibilidad  na dapat tapusin. Ako ay magkakanteener ngayon. marami kaming dyamanteng naroon. maingay , magulo . at pagtapos ay umuwi agad ako at nagpahinga.