Biyernes, Marso 14, 2014
mARCH 10, 2014
nGAYONG ARAW AY NAGKAROON KAMI NG BAGONG ARALIN SA ASIGNATURANG fILIPINO pero bago iyon ay bumasa muna ng Tula ang mga piling mag-aaral na nabunot sa palabunutan hahaha.. yun lang ..
Pebrero 11, 2014 Martes
Ngayong araw ay ipinagpatuloy nami ang di natapos na palabas patungkol kay Rizal . at pagtapos uli ng mga ilang sandali babarilin nalang si Rizal di pa namin natapos hahaha.. pero ito ay konektado sa aming aralin bukas
.
Pebrero 10, 2014 Lunes
Ngayong araw ay wala kaming talakayan sa Filipino. sapagkat kami ay nanuod ng talambuhay ni Rizal nagkaroon kami ng mga panibagong ideya patungkol sa Walang kamatayang nobela ni Rizal. katulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Sabado, Pebrero 8, 2014
Enero ? , 2014 Biyernes
Ngayong araw ay ang aming paggawa ng aming Awtput sa akdang aming tinalakay sa loob ng isang linggo. kami ay naatasang gumawa ng isang liham,tula,panalangin alinman doon ay aming gagawin para sa pangulo ng pilipinas . ako ay gumawa ng maikling panalangin para sa pangulo natin.
Enero ?, 2014 Blangko po ulet hehe ..:)
Ngayong araw ay aming tinalakay ang Teoryang nakapaloob sa akdang aming tinatalakay ito ang realismo. ang aming guro ay ipinaliwanag muli ang ibig sabihin ng Realismo at pagtapos ipaliwanag ay nangkaroon kami ng pangkatang gawain.
Enero ?, 2014 Miyerkules ...:)) Hindi ko alam date ehh !!
Ngayong araw ay aming pinagpatuloy ang aming nasimulang bagong aralin kahapon. ito ay pinamagatang "BANGKANG PAPEL"nagkaroon kami ng kaunting talakayan at pagtapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain na lalong magpapasigla sa aming talakayan.
Huwebes, Enero 30, 2014
Enero 30, 2014
Ngayong araw ay aming pinagpatuloy ang pagtatalaky sa teyoryang Saykolohikal. ang aming guro ay nagpaskil ng mga kayanungan batay sa kwento ng Himala at sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwento na si Elsa. isa-isang bumunot ng mga sasagot sa mga katanungan ang aming Guro upang sagutin ito.PASALAMAT AKO HINDI AKO NABUNOT HAHA...:) at pagtapos ng talakayan any nagbigay ng takdang aralin.
Enero 29, 2014 Miyerkules
Ngayong araw ay aming tinalakay ang teyoryang nakapaloob sa aming tinatalaky na aralin ito ay ang Himala. tinalakay ng aming guro ang bawat sangay ng saykolohikal o ito ay tumutukoy sa pagiisip ng tao. amin itong tinalakay sapagkat may mga pangyayari sa buhay ni Elsa na Hindi Maipaliwanag .
Enero 28, 2014 Martes
Ngayong araw ay Inumpisahan namin ang Talakayan sa Pagbabasa ng sariling gawang tula ng aking napiling mag-aaral. at pagtapos nun ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. ang aming pangkat ay naatasang bigyang interpritasyon ang mga piling salita o dayalogo sa Akdang himala. at pagtapos ng gawain ay nagkaroon kami ng takdang aralin.
Enero 27, 2014
Ngayong araw ay nagkaroon kami ng panibagong aralin sa asignaturang Filipino . ito ang pinamagatang "Himala" isa itong Iskripto sa palabas na Himala. na pinalabas noong dekada 70 . Ang aming guro ay nagsabi na isulat lahat ng pangyayari sa buhay ng tauhang si Elsa sa Kwento ng Himala kung papaano siya natutong manggamot.
Sabado, Enero 25, 2014
Enero 24, 2014
Ngayong araw ay nagkaroon kami ng gawain na mas lalong magpapatibay sa akdang aming tinatalakay. ito ung gagawa ka ng sarili mung istorya na maykahalintulad sa akdang tinatalakay. bibigayan mu ito ng Simula ,Tungalian, at Wakas.
Enero 23, 2014 Huwebes
Ngayong araw ay nagkaroon kami ng gawain . Pinagsunodsunod namin ang Banghay sa akdang kalupi .batay sa naaayos na pagkakasunod-sunod mula sa Simula ,Tungalian, at Wakas at pag tapos noon ay nagkaroon kami ng panibagong pangkatang gawai batay parin sa akda.
Enero 22, 2014
Ngayong araw ay aming tinapos ang di-natapos na pangkatang gawain kapon. at pagtapos mag ulat ang mga bawat grupo ay nagkaroon uli nga panibagong pangkatang gawain. patungkol uli sa akdang Ang Kalupi .bawat pangkat ay nagkaroon ng ibat-ibang gawain . ang aming pangkat ay naatasang bigyang kajulugan ang mga piling salita na nakapaloob sa akda.
Enero 21, 2014 Martes
Ngayong araw ay aming tinalakay ang akdang "Ang Kalupi"Nagpaskil ang aming guro ng isang kaisipan na bumabatay sa akda. pagtapos noon ay may mga piling mag-aaral na nagsadula ng akdang Ang Kalupi. at pagtapos noon ay nagkaroon ng mga katanungan batay sa akda. at nagkaroon ng pangkatang gawain
Enero 20, 2014 Lunes
Ngayong araw ay ipinagpatuloy namin ang talakayan noong biyernes .Ang tulang "Pamana" at aming tinuloy ang paggawa ng tula . subalit ngayong lunes ay pangkatan ang paggawa namin ng tula bawat miyembro ay maykanyakanyang saknong na dapat buoin . at ito ay ipapagpayuloy namin bukas.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)